Mantakin Mong May Binebenta Pa Palang Slumbook!

Mantakin Mong May Binebenta Pa Palang Slumbook!

Wala na atang pinaka-swak pang pwedeng i-feature ko sa site ko ngayong Agosto, Buwan ng Wika, liban dito sa pinaka-kwela at mainit-init pang bagong produkto mula sa mga gumawa ng “Not The Planner 2010.” Alam nyo to, wag nyo ng i-deny pa. Dahil sa mga to kung bat tayo napasma nung mga bata pa tayo. Ito ay pinamagatang “akala mo lang wala nang slumbook pero meron, Meron, MERON!” Title pa lang, patok na patok na!

Dati-rati, ‘kala ko Pinoy ang may pasimuno ng mga slumbook. Sa US pala meron din nito pero slam book sya kung tawagin. Kajologan lang na biglang slumbook na sya sa colloquial. Taragais na ‘yan. Para sa mga hindi alam kung ano ito, dahil malay ko ba kung sing sira-ulo pa rin gaya naming Gen-Xers ang mga kabataan ngayon, ang tinatawag na slumbook ay usually isang notebook kung saan nakasulat ang mga imbentong tanong ng mayari nito na ginawa para pasulatan sa kanyang mga natatanging kaibigan. Andyan yung usual na Name, Address, Motto, Favorite Color, at mga kagaya pang “blanks.”

Kung marami kang slumbook na nasulatan noon, sikat ka. Kung marami kang napilit na sikat sa school mo na sumulat sa slumbook mo, mas sikat ka. Kung naka-yeba-yeba mo ang marami sa mga nauto mong sumulat sa slumbook mo sa murang mong edad na highschool, makati at pokpok kang haliparot ka nung bata ka pa. Ganun lang ka-simple yun.

Mapa-lalaki o babae dati ay may mga slumbook. Yung mga mayayaman, bumibili lang yan ng ready made at hard-bound na journals na magaganda ang design ng cover. Slumbook pa lang, may imaginary socio-economic divide na dati. Imaginary in a sense lang naman kasi wala namang mga matapobre sa school namin noon. Ang swerte ko nga eh. Yung mga naghihikahos naman sa buhay, yung notebook nila sa PE na wala namang nasusulat buong taon ang usually nacoconvert bigla para maging slumbook. Tinitiyaga lang nila itong sulatan ng mga katanungan, nilalagyan ng papel na overlay ang itsura ng mga artistang tulad nina Romnick at Sheryll as cover, tatahiin ang spine, at PRESTO! Instant slumbook!

Ang kina-iba siguro ng “akala mo lang wala nang slumbook pero meron, Meron, MERON!” slumbook na ito dun sa mga dati na nating nabili o nagawa ay mas bebenta to sa generation natin ngayon. Gawa itong Pinoy para sa Pinoy. Marami sa mga katanungan at blanks dyan ay nakasulat o may Filipino captions. Titigilan ko na pagsulat kasi alam kong dumudugo na ilong nyo kababasa nito.

On with the photos! Yung description ng specs, how to order, website, at FAQs ilalagay ko na lang pagkatapos nitong mga pics.

Slumbook by Witty Will Save The World Co (cover)
Slumbook by Witty Will Save The World Co
Slumbook by Witty Will Save The World Co (layout)
Slumbook by Witty Will Save The World Co
Slumbook by Witty Will Save The World Co (third page preview)
Slumbook by Witty Will Save The World Co (notebook pages)
Slumbook by Witty Will Save The World Co
Slumbook by Witty Will Save The World Co (back cover)

Maganda ang material ng slumbook. OK rin sa binding. Makakapal ang papel at alam mong de-kalidad. P200.00 lang sya. Mahal sya para sa kabataang nag-aaral pa lang pero sisiw na sisiw sa mga tanders na may mga trabaho na’t gustong gunitain ang days of our lives nung tayo’t mga virgin pang lahat.

Eto ang iba pang details na marahil gusto mong malaman tungkol sa “Akala mo lang wala nang slumbook, pero meron, Meron, MERON!” Notebook/Slumbook:

Size: 6in x 6in
Thickness: 1in
Cover: Chipboard covered with Red Cloth with black stamping
Paper: Bookpaper 60
Leaves: 123 leaves (246 pages)
Print: 90 pages 1 –color print
Price: PHP200 only.

Slumbook: 20 friends can sign!
Notebook: There are 90 leaves of notebook!

Website: Witty Will Save The World, Co.’s multiply page
Facebook page: Witty Will Save The World, Co.
More photos from the makers: please click here. (kung ako sayo, wag mo i-clock para may suspense ka pag natanggap mo ang bibilhin mong slumbook. Payong kaibigan lang, mamser)
FAQs on the slumbook and how to order: please go here.
Transact via text or email: through text 0906-4652191 or email wittywillsavetheworld at gmail dot com.

Na-excite ka ba? Aminin mo na! Give in! Uuuuuy, magte-text na yan! LOL. Sa mga utak sa likod ng Witty Will Save The World Co., galeng ‘nyo!

Related Posts with Thumbnails

12 Comments For This Post I'd Love to Hear Yours!

  1. Winston Says:

    koya, magtatampo ako ng todo pag di mo ako pinasign sa iyong slumbook.

  2. Fritz Says:

    Reserved ka na ang si Jeric. Prepare a pic tas ako na bahala sa stamp pad kasi kelangan ng thumb mark nyahahahahahahaha! Panalo talaga to koya LOL

  3. Dani Says:

    bibili ako niyan at pupunuin ko ng “LOVE IS BLIND” shitz

  4. Fritz Says:

    datirati, I judge people by their motto. Pag tamang “time is gold” lang, ay bobo to mahahahahahahaha!

  5. Fitz Says:

    May slot ba ako jan? :P

  6. Fritz Says:

    Rigodon na to ng slumbook pag nagkita-kita! Nyahahahahahaha!

  7. The Photoblogger Says:

    hellow poh kuya, I know fan lang ako dito sa site mo,pero sana imoh ko ipa sign sa imoh book-book diha. thank you. :P

  8. Fritz Says:

    lolfan ka dyan. ipa-courier ko sana to Cebu kaso parang palagay ko hindi na sya babalik dahil ganun to kaganda! hahahaha. pag punta nyo ng Manila or pag pumunta ako dyan dadalhin ko por yor otographs (woot)

  9. benj Says:

    Pasali naman dyan!!!

  10. Fritz Says:

    Number 4 reserved slot ka na Benj hahahahahahahaha! Patok to!

  11. geanne Says:

    is it still available?

  12. Cathy22 Says:

    Is it still available and how much… I have the planner already!

Leave a Comment Here's Your Chance to Be Heard!