If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting!
“Ser, kumakain ba kayo ng Pusit?”
.
“Anong namang klaseng tanong yan?”
.
“Pasensya na, ser. Napansin ko kasing parang oorderin nyo yang adobong pusit eh.”
.
“Hindi. Dito na ‘ko sa menudo. Eto, subok ko ng masarap. San naman papunta tong usapang ‘to?”
.
“Alam nyo naman na mangingisda ako, ‘di ba?”
.
“…”
.
“Ang tatay ko, mangingisda. Ang tatay ng tatay ko, mangingisda. Marami pang iba sa pamilya namin mga mangingisda. Pero lahat kami hindi kumakain ng pusit…”
.
“Nino, bayaw, sumasakit ulo ko sa ganyang mga kwento lalo na’t dis-oras ng hapon na ako kakain ng pananghalian! Ano naman kinalaman ng propesyon nyo sa pagkain ko ng pusit kung sakali?”
.
“Kayo naman, ser, minsan lang ako magkwento sino-sopla nyo pa ‘ko.”
.
“Antagal mo kasing mag-punchline! Ano, joke ba yan? Siguraduhin mo lang na matatawa ako kundi uumbagan kitang bata ka!”
.
“Hindi to joke, ser! Pero sige, ganito nalang, tuloy ko nalang kwento ko pagkatapos nyo kumain.”
.
“Nino, sa tagal ng punchline mo, ayan o, tignan mo, nasimot ko na plato ko! Ganyan kabagal ang delivery mo ng kwento! Sige na, yosi muna ako habang nagkukwento ka. Ayan ah, dahil malakas ka sa akin pakikinggan kita, hayup ka!”
.
“Napakamot ako ng ulo ko dun ser ah. Eto na, alam nyo ba kung pano nanghuhuli ng pusit ang mga mangingisda?”
.
“Dalian mo’t nabibitin ako! Nak-nang…”
.
“Di ba ang pusit ay tinatawag nilang isa sa mga janitor ng karagatan. Yung tipong sila ang kumakain ng dumi ng mga isda, mga lumot sa basura sa buhanginan, sabi pa nga ng iba eh pati awis kinakain nung mga yun.”
.
“Isa mo pang banggit ng awis, lalayasan na kita! Kita mo namang kakakain ko lang! ‘Tong batang ‘to! O, tapos?”
.
“Dahil alam ng mga mangingisda na sa ganito nabubuhay ang mga pusit, dito rin nanggaling ang paraang ‘to para may mahuli pa ring pusit maski pa ba kabilugan ng buwan kung saan kakaunti ang huli.”
.
“Ang punchline, dalian…”
.
“Gumagamit sila ng patay na hayop. Tinatalian nila ang patay na hayop ng lubid, iniitsa ito sa dagat ng magdamagan, at pagdating ng umaga ay hinihila nila ang lubid papuntang la-ot. Makikita nyong nakakapit ang mga pusit sa buong katawan ng patay na hayop. Mas malaki ang hayop, mas madaming pusit. Kaya para makarami ng huli, marami dyan gumagamit ng aso.”
.
“Di nga?”
.
“Oo! Peks-man! Ang matindi pa dun e pagkatapos nilang kunin ang mga pusit na nakakabit sa katawan ng patay na hayop, binabalik nanaman nila ang hayop sa dagat ng nakatali parin sa lubid para sa “ani” sa susunod na mga araw. Paulit-ulit itong ginagawa hanggang agnas na ang buong katawan ng hayop hanggang sa buto.”
.
“Nino, naduduwal akong hayop ka! Pero, ‘di nga? May mga ganun talaga? Di ko alam reaction ko, kung kakalam tiyan ko sa dami ko ng nakaing pusit sa tanang buhay ko o dahil iba ang galit ko sa mga taong pumapatay ng aso.”
.
“Di pa naman ako nakakaalis ng probinsya kaya di ko rin masasabi kung sa ibang parte ng bansa eh ganito ang ginagawa ng lahat. Pero dito sa atin, madalas ‘to lalo na’t bilog ang buwan.”
.
“Akala ko ba sabi mo joke ‘to! Hindi nakakatawa, Nino! Pa’no na ang calamaring pam-pulutan?!”
.
“Pasensya na, ha? Sana naman di kayo magsawa sa pagpunta dito sa karinderya namin. Bat ko pa kasi naikwento…”
.
“Eh wala na namang ibang karinderya dito. Sa’n naman ako lilipat kung sakali? Tsaka, bayaw kita! Pano naman ako magagalit sa ‘yo?”
.
“Ser talaga…”
.
“Tsaka wag mo nga akong tawaging “ser”! Batang to. “Kupz” nalang, OK na sakin yun. Sige, ako’y ruruta pa. Marami pa akong hahabuling benta. Punta ka sa amin mamayang gabi, ha? Pag may tira kayong nilutong di na naibenta, dalhin mo’t gawin nating pulutan. Bilog naman ang buwan kaya di ka naman mangingisda nyan, di ba?”
.
“Tama. Sige Kupz. Later, dude!”
.
“Kaya malakas ka sa akin eh, may pa-later dude, later dude ka pang nalalaman ngayon. Eto bayad ko sa kinain ko. Basta mamaya ha! Mga alas-syete para makarami!”
.
.
.
You know how it is that people from Sales usually tell the darnedest stories. Most even boarder to blatant BS, the stuff that the inuman-sa-kanto tell-tales are made of. This is based on one of those stories, told to a friend by a guy from Sales. Where he got it, the authenticity, and its veracity is and will forever remain a mystery. Please exercise careful judgment in whether or not to believe.
.
I did this in Filipino because there are rumors spreading about that I only write in broken grammar English. So NOT true! Well, partly. That thing about broken grammar I’m guilty of.
.
Maligayang Linggo at Buwan ng Wika, Pilipino!
.










Twitter Updates




20 August 2007 at 7:25 am
I was gonna ask you to write a translation for TMB, but ah, well.
20 August 2007 at 12:16 pm
Nah. I think the story won’t work as good. I’ve something for TMB. Just finding out how best to present them. Yay Pusit!
20 August 2007 at 2:39 pm
Urgh. I dunno if I’m gonna believe it or not, but one thing – I rarely eat pusit. Calamares, pwede pa.
Too bad, di pa ko nakakakain ng aso.
:headbangs: Astig na kwento!
20 August 2007 at 2:53 pm
Yung mga characters imbento. Pati yung exchange. Pero yung premise e ginawa kong as close to everything I heard in as far as my recall would warrant.
Yung mga kasama kong nakikinig, pagkatapos ng kwento, sabi nung isa “dapat makauna ka sa harvest. Kung hindi man e panghuli para di gross.” At least the guy realized something.
20 August 2007 at 3:34 pm
ano ang awis?
wala akong pakialam kung ano ang kinakain ng kinakain ko. basta hindi ako nagkakasakit, walang problema. kung saan man nanggaling ang nasa plato ko, sapat na na masarap ito. simple lang ang buhay.
—
i like how the story is told—i find it weird to think of you speaking in Tagalog, but the usage of the language here doesn’t sound forced. ^_^
20 August 2007 at 3:41 pm
Just like kangkong, whatever it’s been drinking doesn’t matter. Like mushrooms, too.
Thanks for the encouraging words Liz. Nakakataba ng pusong payat. Awis is fecal matter. Yay!
20 August 2007 at 4:26 pm
wow! ang ganda ng pagkasulat mo ng kwento.
I grew up in Palawan. I knew na hindi ganyan manghuli ang mga magnignisda ng pusit!
kwentong kalye lang po yan…
20 August 2007 at 5:19 pm
Yeah. Might be. So, Palawan people, it’s cool to have squid there. Go paksiw na pusit!
20 August 2007 at 7:32 pm
talagang napabasa ako dahil mahilig ako sa pusit! Hehe… buti nalang mukhang kuwentong kalye pa rin dahil kakain pa rin ako. Tulad ni Ms. Liz, since hindi naman ako nagkakasakit (at wala rin naman akong narinig) at dahil masarap, kakainin ko pa rin… masarap eh…
naisip ko lang… bakit nagkalat ang mga calamares ngayon?
21 August 2007 at 5:07 am
Broken grammar? Fritz? Me doesn’t concur!
Calamares, how I’ll miss you so! :(
21 August 2007 at 8:08 am
aaackk i cannot understand! oh my gas!
21 August 2007 at 9:37 am
You miss calamares but Cathy there says “nagkalat ang calamares ngayon.” You’re saying she’s lying?! Hawakan mo nga sa ilong! Sige nga!
21 August 2007 at 9:57 am
Kaya mo yan, Kristine. Minsan lang tong entry na ganito.
22 August 2007 at 2:22 am
Nasan yang Cathy na yan?
But Fritz, you know I don’t fight wimmen. Though I can just pretend she’s a man. A very beautiful man, with a great body that I’d like to take to the movies.
25 August 2007 at 12:10 pm
Kaya pala masarap ang pusit. Naknangtotot. Naalala ko tuloy yang batang yang si Kellie Pickler. Calamariiiii!
27 February 2008 at 11:35 am
Dedicated to Squid of teh TMB. Yon naman!